Nakakatawa naman talaga ang politika sa bansa, parang isang malaking comedy show, lalo kung may Senate o House hearingNakakatawa naman talaga ang politika sa bansa, parang isang malaking comedy show, lalo kung may Senate o House hearing

[Tabas ng Dila] Ang KoolPals natin

2026/01/21 09:00

Kaibigan ng jowa ng dati kong estudyanteng si Sam ang coordinator ng The KoolPals na si Jomar Jay. Pagkagaling ko sa aking Indonesia-Singapore academic sojourn noong November last year, kung kailan ko nakitang muli ang dati kong estudyanteng si Sam na obrero na sa Singapore, inirekomenda akong maging guest sa palabas ng The KoolPals. Nagkataong nabasa na raw ni Jomar Jay ang aklat kong iSTATUS NATION na punong-puno ng karunungang itim at wala nang kopya ngayon, kaya mabilis nakumbinsi si Jomar Jay na imbitahin ako. Okay, malinaw ba?

So, ‘yun, one early December evening last year, pumunta ako sa basement ng isang yayamaning hotel sa Maynila kung saan naroon ang The KoolPals Bar at Cellar. Sinamahan ako ng isang co-teacher na closet fan ng The KoolPals. Maraming closet fan ang The KoolPals sa mga kakilala ko, hindi ko akalain. Natuklasan ko na lang sila nang ihayag ko sa mundo ng social media, via screengrab ng Messenger conversation namin ni Jomar Jay (na, for the sake of privacy, binura ko ang pangalan pero ibinulgar pa rin ng mga nakakita sa post ko), na iniimbita ako para mag-guest sa isa nilang live recording. 

Ito pa lang ang alam ko. May live recording sila tatlong araw yata isang linggo. Bawat araw na iyon, may tatlong live recording na tig-iisang oras lang dapat, tumagal ang sa amin nang dalawa. Tapos kinulang pa ng iinuming gin. So, three days a week times three live recordings per day, equals nine live recordings per week. Kaya naman Podcast Episode 921 inilabas ang guesting ko.

Grabe ang dami nun, 921. Napaka-prolific para sa isang program na wala pang isang dekada. 2019 sila nagsimulang umere bilang podcast. Puwera pa rito ang live stand-up comedy shows ng bawat isang miyembro ng The KoolPals at sila bilang collective. Tapos may side gig pang wedding hosting ang iba sa kanila. For all we know, baka nagho-host din sila ng bingo sa peryahan. Galit sa pera yarn?

Wala namang kakaiba sa tawag sa kanilang The KoolPals o slang ng cool na tropa, cool pals, at mga kupal o smegma, Pinoy slang para sa mga jerk, arrogant, insensitive. Bastos. Basta parang ganyan, depende sa kung ano ang pagkakakilala mo sa kanila ang kahulugan na gagamitin mo sa kanilang ngalan. Puwedeng parehong cool at kupal.

Binubuo ang The KoolPals nina GB Labrador, James Caraan, Nonong Ballinan, Ryan Rems Sarita, at Muman Reyes. Sumasama din sa kanila si Roger Naldo. Iba-ibang landas ang tinahak nila bago marating ang pagiging The KoolPals. Silang anim ang nakakuwentuhan ko sa live recording. May alak sa live recording kahit ayaw ko. May murahan kahit ayaw ko. May murahan in lieu of greetings o shout-out sa fans, pambihira.

At masasaya ang mga taong nanonood sa amin kapag nagmumura o minumura sila. Na hindi ko pa rin grasp kung bakit. Sa iba, masakit murahin. Pero kapag The Koolpals, keep ‘em coming. Masisira ang mga teorya sa sosyolohiya sa ganitong dynamics na ilalapat sa pagtanggap ng sambayan sa kanila bilang grupo. Bagamat nangyari na ito noong magkaroon tayo ng pangulong palamura. (BASAHIN: A foul-mouthed 2016: The year in Duterte’s curses | Applause, curses, other Duterte SONA 2019 tidbits | Duterte’s cursing is affecting the youth, experts say)

But, seriously, mahirap talagang ipaliwanag. Noon lang ako na-expose sa isang kuwentuhang live recording na may paying customers. Marami. At mahal, ha? P750 para sa walk-in, at P500 sa kanilang reservation platform; ipapalabas ang record bilang episode sa podcast. Kaching! Sana hindi ito mabasa ng BIR.

Umikot ang kuwentuhan namin sa akin bilang manunulat ng kung ano-ano, humorous or otherwise. Binalikan ko rin sila ng tanong tungkol sa kanilang buhay. Natamaan din namin sa kuwentuhan ang mga tsismis (na nanatiling tsismis hanggang sa huli!) hinggil sa pagkatao ng isang sikat na manunulat pero ayaw magpakilala, a certain Bob Ong.

Pinag-usapan din namin ang ilang popular na teorya tungkol sa humor na una kong inakala na alam nila dahil, well, buhay na nila ang humor, lalo na sa ilan sa kanilang sinuong ang mahirap na desisyong bitawan ang mas secured na day-job kapalit ng mapangahas na pag-fulltime sa palabas as solo comedian or as collective bilang The KoolPals. Akala ko, natural na pag-aaralan nila ang mga teorya upang makatulong sa pag-unawa nila sa pagpapatawa bilang kabuhayan. Idagdag pang nakakatawa naman talaga ang politika sa bansa, parang isang malaking comedy show, lalo kung may Senate o House hearing. (Paumanhin sa mga propesyonal na nagma-mount ng maayos at entertaining na comedy show sa bansa — not meant to offend.) Akala ko lang pala iyon. Akong si OA makateorya. 

Though not a must, sa nagsisimulang tumunghay sa humor bilang lunsaran ng pag-aaral at kabuhayan, tatlo lang naman ang batayang teorya kung paano ito umiiral, kung saan galing ang maraming spawns in between. Ang tatlong batayang teorya ay ang incongruity, superiority, at relief theories.

Sa Incongruity theory, nag-e-emanate ang humor sa hindi inaasahang pagdating ng sitwasyon. Incongruous. Nakakatawa ang hindi inaasahan. Sa Superiority naman umiiral ang katatawan kapag may inaakala tayong perceived weakness sa isang tao: nadulas, nagkamali, may inaakalang kapintasan. Lahat ito ay nagbubunsod sa ideyang tayo ang superior at hindi nakaranas ng panghahamak. Sa teoryang ito umiiral ang exaggerated na paglalarawan sa isang tao o pangyayari batay sa perceived weakness. Samantala, ang Relief theory ang nagbubunsod sa atin ng paghahangad makalaya at palayain ng isang nakakatawang sitwasyon na ang epekto ay tension-release. Kaya masayang may kasamang nakakatawa sa mabibigat na gawain para i-diffuse ang tension.

Hindi raw nila alam ang mga ito kaya ige-guest nila ako uli sa ibang pagkakataong may sapat nang supply ng gin sa live recording. 

Sinabi ko sa kanilang may aklat akong matagal nang nakatengga tungkol sa Filipino brand of humor na balak ko nang tapusin ngayong taon. At isa sa sanaysay na ihahabol ko sa aklat ay kung paano ako naging guest ng The KoolPals at naubusan sila ng gin. 

***

Dahil biyahero tayong lahat, sa February 6-8, 2026, gaganapin ang isa sa pinakamalaking travel fair sa bansa, ang 33rd Travel Tour Expo na itinataguyod ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), The National Travel Association. Gaganapin ito sa SMX ng SM Mall of Asia. Mag-e-exhibit sa travel fair ang mga airlines, travel agencies, tour operators, hotels and resorts, food concessionaires, cruise liners and shipping, at marami pang iba. Maaasahan natin ang maayos at masinop na inquiry kung sakaling gusto ninyong maglamyerda, gustong mag-ipon ng alaala, o kahit magtanggal lang ng pagod (habang nagpapagod kagagala?) sa ating kapuluan at sa ibang panig ng daigdig. May raffle at budget travel deals na hindi dapat palampasin ng mga naghahanap ng quality pero budget-friendly journeys.

Garantisado ng PTAA ang mga sasali sa expo. Legit na legit, hindi gaya ng mga naglipanang travel scammers at suspect online booking hubs. Planuhin ang lakad, dayuhin ang 33rd Travel Tour Expo. Itaktak ang nalalabing budget para makapaglakbay, makapaglamyerda, para makita ang sarili, at, malay ’nyo, makatagpo ng love life eventually habang nagliliwaliw sa abroad at sa iba’t ibang sulok ng bansang hindi mo pa nararating? 

Narito ang iba pang detalye ng 33rd Travel Tour Expo. Huwag mahihiyang makipag-ugnayan. Naroon din ako, maghahanap ng suwabeng deals para sa aking pamilya. 

– Rappler.com

Professor ng seminar in new media, writing for new media, at creative nonfiction sa Faculty of Arts and Letters at sa Graduate School ng University of Santo Tomas si Joselito D. De Los Reyes, PhD. Kasalukuyan siyang chairperson ng UST Department of Creative Writing.

Market Opportunity
Housecoin Logo
Housecoin Price(HOUSE)
$0.001486
$0.001486$0.001486
-4.56%
USD
Housecoin (HOUSE) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact service@support.mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.